importante ang bagay na ito sa akin, siguro naman sa ating lahat, di ba?
para sa akin, kapag pinagkatiwalaan kita, dapat iingatan mo yun, dahil kapag nasira iyon, wala na, mahirap na ibalik pang muli...
nitong mga huling linggo, ewan ko, magulo man, pero feeling ko, meron isang taong sumira sa tiwala na ipinagkaloob ko sa kanya, hindi ko alam, basta, nararamdaman ko, malakas ang kutob ko...
kapag nalaman ko na totoo nga ito, magagalit ba ako?! siguro hindi, maaasar lang ako, wala nang silbi ang pag-aaksaya ko ng panahon pang magalit sa taong ito, tutal naman, hindi na maibabalik pa ang mga bagay na sinira nya...
ang sa akin lang, sinira mo lang naman, ang pinakamahalagang bagay na ibinibigay ko sa isang tao, ang susi ng pagkakaibigan mula sa akin...
kung sino ka man, sayang...sayang lang talaga...sana, makonsensya ka na lang...sana hindi dumating ang panahon, na maranasan mo rin kung paano ka traydorin ng taong malalapit sa yo, na syang sisira sa ilang mahalagang bagay sa buhay mo...sana huwag mangyari sa iyo yun...sana lang talaga...